TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos ang kahandaan ng pamahalaan sa pagpasok ng super typhoon Mawar (Typhoon Betty) sa Philippine Area of Responsibility Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
“Patuloy nating tinututukan ang Super Typhoon Mawar na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi o Sabado ng umaga,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na pinaghahandaan din ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa, kundi sa lahat ng lugar na posibleng daanan nito.
Samantala, nakaposisyon na rin ang ibat’ ibang relief packs, food at non-food, shelter kit sa iba’t ibang lugar na inaasahang tatamaan ng bagyo.