WALANG nakikitang masama si Pangulong Bongbong Marcos kung ipalalabas man sa sinehan sa Pilipinas ang pelikulang Barbie.
“Maganda raw eh, sabi nila,” sabi ni Marcos. Ito’y matapos batikusin ng ilang senador ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRBC) na payagan ang paglabas ng Barbie.
“Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” dagdag ni Marcos.
Ipinakikita umano sa pelikula ang nine-dash line na inaangkin ng China.
Matatandaan na una nang hiniling ni Senador Francis Tolentino sa MTRCB na huwag ipalabas sa Pilipinas ang pelikula dahil sa nine-dash line na ipinakita rito na pag-aari ng China.
“Please note that the dash lines attached to a landmass labeled ‘Asia’ is not U-shaped, and has eight (8) dots/dashes instead of nine (9),” sagot naman ng MTRCB sa sulat nito kay Tolentino.