Marcos: Russian attack submarine sa PH waters nakababahala

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Pangulong Bongbong Marcos sa balitang naispatan ang isang Russian attack submarine sa loob ng katubigan ng Pilipinas.

“That’s very concerning. Any intrusion in the West Philippine Sea or of our EEZ or our baselines is very worrisome,” pahayag ni Marcos nang matanong sa gift-giving event sa Marikina Lunes ng umaga.

Naispatan ang submarine sa kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Coast Guard.

“We’ll let the military discuss it with me,” pahayag pa ni Marcos.

Nauna nang nagpahayag ang Philippine Navy na nagpadala na ito ng air and sea assets sa lugar para imonitor ang paggalaw ng submarine. Hindi naman nabanggit anong layunin ng pagpadpad ng submarine sa bansa.