DAHIL sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, naglagay si Pangulong Bongbong Marcos ng price cap para sa presyo ng bigas.
Inilagay sa P41 kada kilo ang presyo ng regular-milled rice habang P45 naman sa kada kilo ng well-milled na bigas.
Ang price cap ay ipatutupad sa buong bansa, ayon sa Executive Order 39 na inilabas ng Malacanang nitong Biyernes.
“Under EO (Executive Order) 39, the mandated price ceiling for regular milled rice is PhP41 per kilogram while the mandated price cap for well-milled rice is PhP45.00 per kilogram,” ayon sa Palasyo.