BINALAAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga smuggler at hoarders na patuloy na bumibiktima sa mamamayang Pilipino.
Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos na bilang na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder ng mga produktong agrikultura sa harap naman ng patuloy na pagbaha ng mga smuggled na imported na mga karne, bigas, gulay, partikular ng sibuyas na nakaaapekto sa lokal na produksyon.
“Bilang na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan,” sabi ni Marcos.
“Hinahabol at ihahabla natin sila,” dagdag ni Marcos. Nauna nang umabot sa P720 kada kilo ng presyo ng sibuyas dahil sa kakulangan ng suplay noong Disyembre.