NAGSAGAWA ng aerial inspection si Pangulong Bongbong Marcos sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Inatasan ni Marcos ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kausapin ang mga governor at mga lokal na pamahalaan para matukoy ang apat na maaaring alternatibong pangisdaan ng mga apektado ng oil spill.
“Nakapag-profile ang DOLE (Department of Labor and Employment) para makita kung ano ‘yung mga bagong pwedeng livelihood,” sabi ni Marcos.
“At saka huwag nating iniisip para ngayon lang, gawin na natin para kahit na bumalik na ‘yung isda, tuloy pa rin ‘yung kanilang hanapbuhay, may livelihood na — may karagdagang livelihood. ‘Yun ang importante,” dagdag ni Marcos. Personal na namahagi si Marcos ng tulong sa mga apektadong residente ng Pola.
Umabot na sa P445.3 milyon ang nawawalang kita sa 26,000 mangingisda dahil sa oil spill.