TODO man sa batikos ang inabot ng bagong presidential adviser for poverty alleviation na si Larry Gadon, tiwalang-tiwala pa rin sa kanya si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Giit ni Marcos, alam ni Gadon ang mga hinaing ng mga mahihirap at hindi magiging sagabal dito ang kanyang pagkaka-disbar bilang abogado dahil sa kanyang mga malalaswang salita.
“Tuloy-tuloy ang ating mga hakbang upang tuldukan ang kahirapan sa bansa. Bahagi nito ang pagtalaga natin kay G. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation. Tiwala tayo na ang kanyang karanasan at kakayahan ay makatutulong sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Marcos sa kanyang Twitter.
Pormal na nanumpa si Gadon bilang adviser for poverty allevaition nitong Lunes, mahigit isang linggo matapos siyang i-disbar ng Korte Suprema.
Sinabi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na dati ring mahistrado ng Korte Suprema na hindi makakasagabal sa trabaho ni Gadon ang status nito bilang abogado.