PORMAL nang inalis ni Pangulong Bongbong Marcos ang state of public health emergency bunsod ng coronavirus disease (Covid-19), ayon sa Malacanang.
Nitong Biyernes inisyu ni Marcos ang Proclamation 297, na nagli-lift sa nationwide declaration ng public health emergency dahil sa pandemic na dulot ng Covid-19, ayon sa kalatas ng Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.
“All prior orders, memoranda, and issuances that are effective only during the State of Public Health Emergency shall be deemed withdrawn, revoked or canceled and shall no longer be in effect,” ayon sa proklamasyon.
Gayunman, ang lahat ng emergency use authorization (EUA) na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) sa ilalim ng Executive Order (EO) 121 na inilabas noong 2020 ay mananatiling epektibo pa sa loob ng isang taon “for the sole purposes of exhausting the remaining vaccines.”
EO 121 ang nagootorisa sa FDA na mag-isyu ng EUA para sa Covid-19 na balido habang nasa ilalim ng public health emergency.
“The proclamation also states that although Covid-19 remains to be a serious concern for certain subpopulation and requires continued public health response, the country has maintained sufficient health care system capacity and low hospital bed utilization rates even after the liberalization of Covid-19 health protocols,” pahayag ni Garafil.
Matatandaan na inilagay ni dating Pangulong Duterte and bansa sa ilalim ng state of public health emergency noong Marso 8, 2020 matapos maiulat ang unang transmission ng Covid-19.