Marcos hugas-kamay sa impeachment ni Sara

HUGAS-kamay ngayong si Pangulong Bongbong Marcos sa pakaka-impeach ni Vice President Sara Duterte, at iginiit na wala siyang kinalaman sa biglaang pagkakasumite ng Articles of Impeachment sa ng Kamara sa Senado.

“No, the executive cannot have a hand in the impeachment. Walang role ang executive sa impeachment,” ayon kay Marcos sa isang press briefing nitong Huwebes, isang araw matapos ang ginawang paglagda ng 215 kongresista, na pinangunahan mismo ng anak ng pangulo na si Rep. Sandro Marcos, na nagsusulong para maimpeach si Duterte.

Kinontra rin ni Marcos ang pahayag ng mga reporters na hindi maisusulong ang impeachment kung walang basbas ng pangulo.

“You give me too much credit. Again, what the House has done, is clearly the constitutional mandate they have to proceed with the impeachment complaints,” giit nito.

Nang mausisa hinggil sa pangunguna ng anak sa paglagda sa impeachment case, inamin ni Marcos na kinonsulta anya siya rito ng anak.

“‘It’s your duty now to support the process, so do your duty.’ That’s what I told him. Do your duty. You have to support the process. You are constitutionally mandated to carry out that process and you are a congressman so do your duty. I didn’t know that he will be the first to sign though,” paliwanag ng pangulo.

Tanging nasa Senado na ngayon anya ang bola at depende na anya rito kung paano ito iha-handle ng mga senador.