NAKATAKDANG lumipad patungong Estados Unidos si Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. mula Abril 30 hanggang Mayo 4 kung saan nakatakda siyang makipagpulong kay US President Joe Biden sa White House.
Sinabi ng Palasyo na layunin ng biyahe ni Marcos na paigtingin ang espesyal na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US.
Bukod sa kanyang nakatakdang pagbisita sa Washington DC, dadalo rin si Marcos sa koronasyon ni King Charles sa United Kingdom sa Mayo 6. Dadalo siya sa reception bago ang koronasyon sa Mayo 5. Nakatakda rin siyang dumalo sa ASEAN summit sa Indonesia mula Mayo 9 hanggang 11.