Marcos ‘bawal dikitan’?: NET25 reporter nagku-cover sa Malacanang, pinatatanggal ng PCO

HINILING ng Presidential Communications Office sa pamunuan ng NET25 na tanggalin ang kanilang reporter sa Palasyo at palitan ito.

Isang liham ang ipinadala ng PCO sa NET25 at inireklamo ang reporter na si Eden Santos, miyembro ng Malacanang Press Corps, dahil sa paglabag umano nito sa coverage protocol na ipinaiiral sa Malacanang.

Ayon sa liham, nilapitan umano ni Santos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang event kamakailan sa Tarlac.

“Strict courtesy and decorum dictate that when covering the President, a certain distance should be observed at all times.”

Hindi lang umano isang beses ito ginawa ni Santos. Meron pang naunang event na nilapitan ni Santos ang pangulo para mag-ambush interview.

“Sadly, this is not the first time that Santos has violated this rule,” ayon sa liham.