Marco gagaya sa ama, sasabak sa politika

TATAKBONG congressman sa Camarines Sur ang aktor na si Marco Gumabao.

Ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz, matagal na umanong pangarap ni Marco na magsilbi sa publiko.

“Confirmed nang tatakbo bilang congressman sa District 4 sa CamSur ang guwapong aktor. Itago natin siya sa pangalang Marco,” ani Ogie sa kanyang “Showbiz Update” vlog.

“Madalas na siyang nakikitang bumababa-baba sa mga barangay. Taga-roon din naman ang mga Imperial, ang mga Gumabao ni Marco Gumabao,” dagdag ni Ogie.

Nasa dugo ni Marco ang pagiging public servant dahil nagsilbing konsehal ng Quezon City mula 1998 hanggang 1992 at kongresista mula 1992 hanggang 1995 ang ama niyang si Dennis Roldan o Mitchell Gumabao sa totoong buhay.