Maraming trabaho naghihintay sa Pinoy sa abroad – Ople

SINABI ni Department of Migrant Workers Secretary Toots Ople na mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga Pinoy sa iba’t ibang bansa matapos ang ginawang mga pagbiyahe ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Ople na kabilang sa inaasahang trabaho ay sa Romania, Hungary, Portugal, Hong Kong, Japan at Singapore.

“Alam mo a lot of it really can be attributed to the President’s popularity. But we also have to shout out as well doon sa reputation, excellent reputation ng Filipino workers,” sabi ni Ople.

Idinagdag ni Ople na inisyal na 6,000 Pinoy ang kinakailangan sa Saudi Arabia matapos tanggalin ang ban noong Nobyembre.

“Initially, we are looking at 6,000 new hires for Saudi Arabia alone, for now until March, nagkakaproblema na lang sa booking ng flights, dahil nasabay sa holiday season. So doon nagkakahirapan. But these numbers will continue to grow,” dagdag ni Ople.