PINAPAYAGAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng mga domestic at wild bird mula sa Belgium at France.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., walang naiiulat na bird flu outbreak sa dalawang European countries mula pa noong Pebrero.
Nag-isyu ng dalawang magkakahiwalay na memorandum order si Secretary Laurel na nagtatanggal ng ban sa pag-import ng mga poultry meat, itlog, sisiw at iba pa.
Nilagdaan ni Laurel ang Memorandum Order No. 15 na nagbabawi ng ban sa pag-import ng mga manok, itik at iba pa mula Belgium nitong April 11 kasabay ng Memorandum Order No. 16 na nagbabawi ng ban sa pag-import ng mga mga ibon at poultry meat mula naman sa France.
Matatandaan na noong huling bahagi ng 2023 ay naitala ang paglaganap ng highly pathogenic avian influenza H5N1 strain sa dalawang bansa.