Site icon Pinoy Publiko

Manny Pacquiao handang mag-withdraw sa presidential race kung…

Manny Pacquiao ready to withdraw only if God convicts him to do so. SCREEN GRAB

HANDA umanong mag-withdraw sa presidential race si Senador Manny Pacquiao kahit dalawang araw o isang araw bago ang halalan sa Mayo 9.

“‘Pag may conviction, may ipinakita sa akin ang Panginoon, mag-withdraw ako kahit two days before the election, kahit one day before the election,” sabi ni Pacquiao sa isang press conference ngayong Lunes matapos tanungin kung anong bagay ang makapagpapa-atras sa kanya sa presidential race.

Anya susundin niya ang anumang instruction na ibibigay sa kanya ng Diyos tungkol sa kanyang pagtakbo.

“Kapag may instruction ang Panginoon sa akin, susundin ko,” giit pa niya.

Exit mobile version