MAHIGIT walong oras na sunog ang tumupok sa historic na Manila Post Office building sa Maynila na nagsimula Linggo ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang apoy alas-11:41 ng Linggo ng gabi at umabot sa general alarm alas-6 ng umaga nitong Lunes. Nagsimula ang sunog sa basement ng sunog kung saan nagsisilbing repository para sa mga dokumento at hindi na nagagamit na mga equipment ng ahensiya.
Idineklara ang fire under control alas-7:22 ng umaga, ayon kay Manila Fire Department Fire Superintendent Christine Doctor-Cula.
Madali namang akipag-ugnayan ang tanggapan ni Manila Mayor Honey Lacuna kay Philippine Post (PHLPost) Office Postmaster General Luis Carlos para sa mga assistance na kakailanganin.
Nagpahayag ng matinding kalungkutan si Carlos sa nangyari sa historical site.
“We express grief and saddened on this unfortunate incident. We didn’t expect this to happen but we assured the public that all PHLPost branches is going business as usual. There is nearby post office in Manila and other parts in Metro Manila where the public can send their mails and packages,” pahayag ni Carlos.
“We are closely coordinating with the Bureau of Fire (Protection) on the possible cause of the fire,” dagdag pa nito.