SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na maaaring ibalik muli ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa harap ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19).
“We might have to think about it kung talagang… But ang ating — ako ang tinitingnan ko is because although ‘yung rate of increase lumalaki, ang baseline natin na sinimulan eh maliit lang so hopefully we’re still ano — we’re still going to be able to do it,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na kailangan ding paigtingin ang pagbabakuna laban sa Covid-19. “So we’ll look at it. Tingnan natin kung may guidance ang IATF, may guidance ang DOH. I think — I hope we don’t have to but we might but I hope not,” dagdag ni Marcos.