Mandatory repatriation sa Pinoy sa Gaza iniutos; Alert Level 4 itinaas

ITINAAS sa Alert Level 4 ang sitwasyon ng mga Pinoy na nasa Gaza bunsod ng tuloy-tuloy ng bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.

Dahil dito, iniutos na ng Department of Foreign Affairs ang mandatory repatriation ng lahat ng Pinoy na nasa Gaza.

Nasa 131 ang bilang ng mga Pinoy ang nasa Gaza, 78 sa kanila ay malapit sa Rafah border na patawid ng Egypt. Lahat sila ay umalis ng northern Gaza or Gaza city na siyang sentro ng matinding bakbakan.

Sinabi ng Malacanang na patuloy na ginagawan ng paraan ng pamahalaan ang madaliang pagpapauwi sa lahag ng mga Pinoy na naiiipit sa gera.