Mall show ni Xian nilangaw, tinawag na ‘monoblocbuster’

GINAWANG pulutan sa chikahan ng ilang netizens ang mall show ng aktor na si Xian Lim kamakailan dahil wala raw halos nanonood dito.

Nitong Martes ay nag-viral ang video na kuha sa show ni Xian sa Fishermall kung saan makikita na maraming bakanteng upuan.

Sey ng mga marites:

“Ang liit na nga ng fishermall tapos dami pa bakante.”

“Legit ung na nonood na monobloc chair

Atleast walang kaagaw ang mga monobloc chairs dba? Hahhahaha.”

“Ang daming monoblock nag enjoy!”

“Masayang masaya ang mga monoblock ng makita nila sa personal ang kanilang idolo na si Xian Lim sa isang mall show.”

Sa kaugnay na ulat, naobserbahan ng ilang netizens na hindi rin umano tinao ang premier night ng pelikula ni Xian na “Playtime” na ginanap sa SM North.

“Premiere movie ni Xian Lim na #PlaytimeTheMovie dinagsa ng mga tangkay at sangang panggatong.”

“Muntik nang magkagulo ang mga panggatong.”

“Kahit ung press walang gana umattend dameng bakanteng upuan hahah.”

“Wow daming wlang pake.”