Malakihang oil price hike nakaamba sa Martes

NAKAABANG na ang malakihang oil price hike sa Martes.

Nag-anunsyo na ang Petro Gazz, CleanFuel, Caltex, Seaoil at Shell na magtataas sila ng P1.50 kada litro sa presyo ng gasolina at P2.10 naman sa diesel.

May P1.20 dagdag presyo sa kada litro ng kerosene na inanunsyo ang Caltex, Shell, at Seaoil.

Sisimulan ang dagdag presyo ala-6 ng umaga.

Noong isang linggo, nagtaas ng 75 sentimo sa kada litro ng diesel at 50 sentimo naman sa kerosene, habang 10 sentimo ang ibinaba sa presyo ng gasolina.

Sa tala ng Department of Energy as of Nov. 5, ang total na halaga nang itinaas sa presyo ng gasolina ay P8.65 kada litro at P7.30 naman sa diesel habang P2.60 naman sa kerosene.