PINATANGGAL na ni Makati City Mayor Abby Binay ang kontrobersyal na “Gil Tulog” avenue signage sa lungsod at ibalik ito sa orihinal na Gil Puya avenue.
Nag-sorry rin si Binay sa pamilya ng dating Senate President Gil Puyat sa di umano’y pagsasalaula sa street signage na ipinangalan sa dating senador.
Anya ang mga opisyal na nagbigay ng permit para palitan ito “should have exercised prudence”.
“They should have been more thorough. Dapat inisip ang kaguluhan na maaaring idulot sa mga motorista at komyuter. At dapat ay binigyang halaga ang respeto sa pamilya at sa alaala ni dating Senate President Gil Puyat,” ani Binay.
Sinabi rin niya na sinita at ni-reprimand na rin niya ang mga opisyal na nagbigay ng permit sa isang kumpanya na may pakana ng advertising campaign.
“Humihingi ako ng paumanhin sa ating mga kababayan at sa pamilya ni dating Senate President Puyat. These signs have been taken down on my instruction,” dagdag pa ng alkalde.
Sinabi rin nito na hindi nakarating sa kanyang tanggapan ang hinihinging permiso para sa nasabing advertising campaign.
“Kung dumaan sa akin yan, rejected yan agad,” paniguro nito.
Nag-viral sa social media ang nasabing pakulo na nagdulot din ng kalituhan sa publiko, partikular na sa mga motorista.