DEDMA ang social media personality na si Christian Merck Grey sa pakiusap ng ilang opisyal ng Department of Education na gawing simple ang mga graduation.
Sa Facebook post, ibinalandra ni Grey o Makagwapo ang mga larawan niya at ng kapatid na sinabitan niya ng ilang metro na money garland.
Hindi sinabi ni Grey kung magkano ang isinabit niya sa kapatid sa moving up nito sa Maria Montessori School of Quezon City.
“Congrats brother! Wala ehh. Mayabang kuya mo,” caption niya.
Matatandaan na ilang opisyal ng DepEd at mga netizens ang umapela sa mga magulang na huwag magsabit ng money garlands sa magtatapos nilang mga anak sa mismong graduation ceremony.
Anila, ito ay upang maiwasan na malungkot o maiinggit ang ibang bata.
“Though we’re not saying totally no, but we parents, guardians, we should think if it is necessary to do this for our kids? Won’t this affect the whole community there?” ani DepEd-7 director Salustiano Jimenez sa Bisaya.
“For me, personally, I believe we all have the right. Although we discourage parents, our teachers say it should be discouraged, but that’s the discretion of the parents. Because if we say ‘no,’ what’s bad about it if ever it is done? Is it detrimental? Can it be bad for our mental health? Because others will be seen with a garland, while another one doesn’t have?” dagdag niya.
“It really depends on the conscience of the parents. At least we are giving them a guide on whether it is right to hang a garland or not. Because maybe if it is done, a child might think that this is the norm during graduation,” sambit pa niya.