Maja, Maria ‘mother-daughter moment’

FLINEX ng aktres na si Maja Salvador ang kanilang “mother and daughter moment” ng anak na si Maria.

Sa Instagra, ibinahagi ni Maja ang video na kung saan karga niya at hinehele ang bago-silang na anak.

“My Heart 💖,” caption ni Maja.

Comment naman ang asawa ni Maja na si Rambo Nunez: “My Life.”

Napuno ng puso ang naturang post ni Maja mula sa mga kapwa-celebrity gaya nina MJ Lastimosa, Allan K, Rayver Cruz, Empoy, Lara Quigaman, Ruby Ruiz, Chito Miranda at Kakai Bautista.

Matatandaan na ipinanganak ni Maja si Maria na anak noong May 31.