NAKIKIUSAP ang TV host na si Maine Mendoza sa mga fans na gustong magpakuha ng litrato sa mga celebrities at iba pang public figures.
Sa X/Twitter, sinabi ng “Eat Bulaga” host na dahil maraming may sakit ngayon ay huwag pilitin ng mga fans ang mga celebrities na magtanggal ng mask kung makikipag-selfie sa mga ito.
“People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo,” aniya.
“Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition. Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus,” paliwanag niya.
“Ang hirap mag trabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam,” dagdag ni Maine.
Umayon naman sa host ang netizens.
“Alam mo naman mga tao satin. Ipagpipilitan ang gusto basta makapag papicture lang sa idol nila kahit mali.”
“Korek. I just had covid last week. Mga demanding and entitled faneys kasi.”
“Recent nito nung may fan na nagdemand na magtanggal ng mask si P.A. sa dubai. Ako nahihiya para sa mga yun kahit OFWs sila. Nag-iingat lang yung tao. Dapat marunong magbehave ang fans.”