NANAWAGAN ng boycott ang obispo ng San Carlo City laban sa kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacanang”.
Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza dapat boykotin ang pelikula na kanyang isinalarawan bilang “shameless” at hinimok ang mga taong nasa likod nito na maglabas ng apology.
“The producer, scriptwriter, director and those promoting this movie should publicly apologize to the Carmelite nuns, to President Cory Aquino’s family and to the Filipino people,” ani Alminaza bilang tugon sa trailer ng pelikula kung saan ipinapakita ang pagmamahjong ni dating Pangulong Cory Aquino kasama ang grupo ng mga madre.
Matatandaan na nagtungo si Aquino sa Carmelite monastery sa Cebu sa kasagsagan ng People Power 1.
Nauna nang inalmahan ng mga Carmelite nuns ang nasabing pelikula.