Mahirap mahalin ang lalaki – Paolo

NANINIWALA si Paolo Contis na mahirap mahalin ang mga lalaki.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay tinanong ni Boy si Paolo kung mayroon ba siyang dapat pang malaman ukol sa mga lalaki.

“Tito Boy, mahirap mahalin ang lalaki,” ani Paolo. “I have to be honest. Nakakainggit ‘yung ibang mga tao that they are very open about their feelings, maraming tagong angst, pain ang lalaki. Because we always have to act strong. And sometimes you’re not that strong and you cannot show it to the people.”

Kung bigyan naman ng pagkakataon si Paolo na makasama sa isang dinner ang sinuman, pinili niya ang kanyang mga magulang at kapatid.

“I just want to have another sit-down dinner with my mom, my brother and my dad,” aniya sabay dagdag na sasabihan niya ang ama na okay lang siya.

“I have to thank my mom for everything, for keeping me strong. And I would have to tell my dad, ‘Sorry,’ simula noong nawala siya, medyo marami akong kapalpakang nagawa. I know I still have time to change that, and I promise him that I’ll make him proud again” dagdag niya.