LALO pang dumami ang bilang ng mga mahihirap sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sa datos na inilabas nito, umakyat sa 18.1 porsyento ang poverty incidence sa bansa noong 2021, o kabuuang 19.99 milyong Pinoy na mahihirap.
Sa 2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines, sinabi na mas mataas ito sa 16.7 porsyento na naitala noong 2018.
Ito ay base sa Family Income and Expenditure Survey na nagsabi na ang 19.99 milyong Pinoy ang nabubuhay na mas mababa sa P12,030 na poverty threshold para sa isang pamilya na may limang miyembro.
Tumaas ang 5.9 porsiyento ang mga Pinoy na hindi matugunan ang kanilang pangangailan sa pagkain.
“This translates to around 19.99 million Filipinos who lived below the poverty threshold of about P12,030 per month for a family of five,” ayon sa PSA.
Ayon sa report, ang Bangsamoro Autonomos Region in Muslim Mindanao ang nakapagtala ng pinaka mataas na poverty incidence sa 37.2 porsyento habang ang National Capital Region naman ang may pinakamababang rekord.