BUNSOD ng 5.3 Magnitude na lindol at mahigit 30 aftershocks, ilang imprastraktura ang nagtala ng crack at landslide sa dalawang lugar sa Davao de Oro.
Dahil dito, iniutos ni Governor Dorothy Gonzaga ang suspensyon ng klase sa lahat ng lebel sa pampubliko at pribadong paaralan matapos ang pagyanig.
Nangyari ang pagyanig alas-4:43 ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nitala ang lindol na may lalim na dalawang kilometro, 22 kilometro katimugan ng New Bataan, Davao De Oro.
Naitala ang Intensity 4 sa New Bataan, Maco, at Mawab, Davao De Oro; Intensity 3 ng Nabunturan, Davao De Oro; Intensity 2 in Laak, Davao De Oro and Intensity 1 in Bislig City, Surigao del Sur.
Idinagdag ng state bureau na naramdaman din ang Instrumental Intensity 4 sa Nabunturan, Davao De Oro at Instrumental Intensity 2 sa Davao City, Davao Del Sur. Idinagdag ng Phivolcs na inaasahan ang mga aftershocks at pinsala dulot ng lindol.
Nakita ang mga cracks sa barangay Paloc sa bayan ng Maragusan habang may pagguho rin na nakita sa bahagi ng Maragusan-New Bataan road dahil sa lindol at mga aftershocks, ayon sa gobernador.
Noong isang buwan, naitala ang Magnitude 6 na lindol sa lalawigan at nakapagtala ito ng P100 milyon pagkasira sa proyektong imprastraktura.