INUGA ng magnitude 5.2 na lindol ang Eastern Samar alas-9:01 gabi nitong Lunes, ayon sa Philippine Instute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang sentro ng lindol pitong kilometro hilaga bg Llorente, Eastern Samar.
Ayon pa sa Phivolcs, may lalim ang pagyanig na 56 kilometro at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity 4 sa Borongan City, Eastern Samar; instrumenta insensity 5 sa Borongan, Eastern Samar; instrumental intensity 4 sa Dulag, Leyte; Gandara, Samar; instrumental intensity 3 sa Basey at Marabut, Samar; Hinunangan, Southern Leyte; instrumental intensity 2 sa Can-Avid, Eastern Samar; Villaba, Mahaplag, Ormoc City; Calubian, at Carigara, Leyte; Rosario, Northern Samar; instrumental intensity 1 sa Albuera, Leyte; at Villareal, Samar. Sinabi pa ng Phivolcs na hindi inaasahan ang mga pinsala, bagamat nagbabala sa mga aftershock.