NAGPASALAMAT si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos dahil anya kung hindi dahil dito ay hindi sila nagkasundo ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ginawa ni Sara ang pahayag matapos ang panayam sa kanya sa The Hague, Netherlands, nang muli niyang bisitahin ang ama na nakadetine.
“This really is ironic, but I have to thank Bongbong Marcos because there was forgiveness between me and PRRD [former President Rodrigo Duterte] for all that has happened in our lives,” pahayag ni Sara nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya sa nangyayari sa ama.
“And we have a relationship now – a father-daughter relationship,” dagdag pa nito.
Kwento pa ng bise presidente na ang pagdalaw niya sa ama sa loob ng International Criminal Court detention center ay “one of the longest meetings” na naganap sa pagitan nilang dalawa.
Anya, madalas kasi ang ama na wala sa bahay dahil masyado itong abala sa kanyang mga gawain noong panahon na siya ay lumalaki na.
“Now, I have this every day with him, talking about life, talking about family, and for that, I feel that I am blessed, because at this point, he is already 80. He is already retired,” maramdaming pahayag ni Sara.
“We were given this time to talk as father and daughter,” dagdag nito.
Malungkot lang anya ay nangyayari ito ngayon sa loob ng detention center.
“Sad that it has to happen inside the ICC. But yes, thank you to him,” dagdag ni Sara na ang pinatutungkulan ay si Marcos.
Bukod dito, masaya rin anya siya dahil naging malapit sila ng kanyang half-sister na si Veronica sa gitna ng mga atake sa kanilang pamilya.
“I’m blessed because I gained a sister with what happened to me after the attacks – the confidential funds attacks, the impeachment – we have a relationship now. I have a relationship with Kitty,” pahayag nito.