BAGSAK sa kulungan ang mag-ama na nahuling nagbebenta ng karne ng aso sa Jaen, Nueva Ecija nitong Biyernes.
Nasakote ang mga suspek sa buy-bust operation na inilatag ng pulisya sa Brgy. San Roque.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ang mga pulis at sinabi sa mga suspek na buhay na aso ang bibilhin nila.
Nagulat naman ang mga undercover agents nang mga karne ng dalawang aso ang ipakita sa kanila ng mag-ama.
Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Nueva Ecija provincial field unit na isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng animal rights group na Animal Kingdom Foundation (AKF).
Ayon sa AKF, bantad ang pagkatay at bentahan ng karne ng aso sa lugar.
Na-rescue ng AKF ang dalawa pang aso mula sa mga suspek.