MAKAKATULOG na nang payapa ang TV host na si Luis Manzano makaraang lumabas sa mga pagsusuri na wala siyang kanser.
Matatandaan na sumailalim sa biopsy si Luis makaraang mapansin ng kanyang hairstylist ang bukol niya sa ulo.
“May kailangan i-biopsy dito sa taas ng ulo ko. Parang ang biopsy kung ‘di ako nagkakamali ay i-check kung cancerous or not or kung malignant or benign,” ani Luis sa vlog.
Inamin ng TV host na kinabahan siya sa resulta ng biopsy.
“Ito na ‘yung pinakamahirap sa lahat sa lahat-sa lahat ng mga test. Minsan ‘yung procedure itself hassle kung hassle given pero ang pinakamabigat diyan ay ang pag-aantay ng results kasi malalaman to kung benign ba to or malignant,” aniya.
“I think five to seven days kapag binigay na ‘yung sample. Mas hassle ‘yun. Mas hassle ‘yung ganung stress na ‘yun. In fact, ‘yung nakita kanina, ‘yung pinost ko kanina, sabi ‘yung mga buhok na andon is already a good sign in itself pero ipapadala pa rin to be sure so hoping and praying,” aniya.
Nakahinga naman nang maluwag si Luis nang malaman na wala siyang kanser.
“Do I feel okay? Yes. Apat na doktor na ang nagsabi na malabo-labo talaga na it’s cancerous. Kung ano man may konting kaba? Siyempre kasi i-stitch yan e. Isasama ko kayo sa procedure. Parang tatanggalan ng sample tapos 2-3 stitches, so papanoorin ko kayo. But para sa akin ang main goal ko is to create awareness kasi napakarami siyempre ‘yung mga binabantayan na mga nunal growth, kita yan sa mga katawan,” aniya.