INIHAYAG nj Land Transportation Office Chief Jose Art Tugade na may kakulangan sa suplay ng plastic driver’s license card sa buong bansa kung saan meron na lamang 147,000 plastic card ang natitira na aabot na lamang bago matapos ang Abril 2023.
Sinabi ni Tugade, nadiskubre na niyang kritikal na ang natitirang suplay ng driver’s license noong Nobyembre 2022.
Idinagdag ni Tugade na 30,000 plastic cards ang ginagamit ng LTO kada araw.
Aniya, naumpisahan na ng LTO ang proseso, bagamat naglabas ng department order ang Department of Transportation (DoTr) na ang Central Office na ang magsasagawa ng bidding para sa P50 milyon halaga pataas.
Idinagdag ni Tugade na maaaring gamitin ng mga mag-aaplay para sa driver’s license ang iimprentang resibo na may QR code.