MAGPAPATUPAD ng libreng sakay ang Light Rail Transit Authority-2 (LRT-2) para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Lunes.
Sinabi ng pamunuan ng LRT-2 na magsisimula ant libreng sakay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ayon sa LRT-2, kailangan lamang magdala ng company ID o government issued ID para sa libreng sakay. Ipinagdiriwang ang Labor Day sa Mayo 1.
LRT-2 may libreng sakay sa Mayo 1
