BIBIGYAN ng bagong pangalan ang LRT-1 Roosevelt station sa Quezon City.
Ang istasyon ay ipapangalan sa national artist at hari ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe Jr.
Sa isang seremonya ngayong Linggo (Agosto 20) ang istasyon ay gagawin ng FPJ Station, na pangungunahan ng dating Senate President Tito Sotto III at Senador Lito Lapid, mga dating kasamahan ni Poe sa industriya ng pelikula.
Ayon sa anak ni Poe na si Senador Grace Poe, pasisinayaan din ang marker na may pangalan ng ama na may titulong “King of Philippine Movies”.
“I hope people remember FPJ whenever they board this train,” pahayag ni Poe sa isang kalatas.
“Public service has always been in FPJ’s heart,” dagdag pa ng senador.
“Giving commuters a safe and comfortable ride is a way of keeping his legacy alive.”
Isa rin anyang magandang regalo ito sa namayapang ama na alalahanin ang ika-84th birth anniversary bukas.
“Magandang regalo kay FPJ at sa kanyang mga tagasuporta ang pagkakaroon ng isang FPJ Station,” anya pa.
Sa Republic Act No. 11608, ipinangalan din ang dating Roosevelt Avenue sa Quezon City sa aktor.