TULUYAN nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng PAGASA na alas-8 ng umaga nang maging Tropical Depression Egay ang sama ng panahon na namataan sa silangan ng Southern Luzon.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na hanggang apat na bagyo ang aasahang papasok sa bansa ngayong Hulyo.