IBINIDA ng mga Tayabas, Quezon ang pinakamahabang yema cake na isa sa mga tampok sa kanilang Mayohan Festival nitong Miyerkules.
Ayon sa mga residente, may haba na 175 talampakan ang cake, na kinalaunan ay kanilang pinagsaluhan.
Kaugnay nito, umabot sa mahigit 11,000 suman ang inihagis ng lokal na pamahalaan ng Tayabas sa ginanap na Hagisan ng Suman na bahagi rin ng nasabing festival.
Ang kapistahan ay ginaganap bilang pasasalamat sa kanilang patron saint na si San Isidro Labrador para sa masaganang ani.