LONG weekend ang naghihintay sa publiko sa Abril 6 hanggang 10.
Ito ay matapos ideklara ng Palasyo ang Abril 10, Lunes bilang holiday dahil sa komemorasyon ng Araw ng Kagitingan.
Inilipat ng Malacanang ang paggunita ng Araw ng Kagitingan mula sa orihinal na Abril 9, Linggo bilang bahagi ng isinusulong na holiday economics ng pamahalaan.
Regular holiday naman ang Abril 6, Maundy Thursday at Good Friday, Abril 7, 2023.
“Gamitin natin ang pagkakataong ito upang makapagbigay ng oras sa ating mga mahal sa buhay habang nananatiling responsable sa pagsunod sa mga health at safety protocols. Nawa’y maging mapayapa at makabuluhan ang panahong ito para sa lahat,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).