Lolit sa pa-birthday ni Kris: ‘I will always love you’

SA kabila ng iniindang karamdaman ay nagpadala ng regalo ang Queen of All Media sa showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa ika-77 kaarawan nito.

Kaya naman sobrang na-touch si Lolit at sinabing hindi nawawala ang kabaitan ni Kris sa paglipas ng panahon.

“Gusto ko na naman maiyak. Tumawag si Check, isa sa PA ni Kris Aquino, dahil may pinadadalang regalo si Tetay,” sey ni Lolit sa IG post.

“Imagine mo na sa gitna ng mga health problems ni Kris maisip pa niyang magpadala ng gift para sa akin. Napaka-thoughtful niya at ito iyon sinasabi ko na si Kris never nagtatanim ng sama ng loob,” dagdag niya.

“Kaya naman all this years may soft spot siya talaga sa puso ko. Never ko siya inaalis sa listahan ng mga tao na mahal ko. Thank you Kris,” wika ni Manay Lolit.

Mensahe niya rito: “Praying na sana maging maayos ang health mo at maging peaceful ang emotion mo. I will always love you dahil mabait ka talaga. Stay safe.”