Lola itinanghal na ‘Miss Congeniality’ sa Mutya ng Taguig 2024

HINDI umuwing luhaan si Rhonda Felizmeña, ang 70-anyos na lola, sa pagsabak niya sa

Mutya ng Taguig 2024.

Sa ginanap na coronation night nitong Mayo 25, napanalunan ni Felizmeña ang Miss Congeniality award.

Ang award ay pinagbotohan ng mga kandidadata ng timpalak.

Itinanghal bilang Mutya ng Taguig 2024 si

Alessandra Leanne Plantado ng Brgy. Central Signal.

Kabilang naman sa ‘Mutya’ court sina Danielle Mariz Lamptey, first runner-up; Charish Apple Arellon, second runner-up; Yllana Marie Macapagal, third runner-up, at Aubrey Ysabelle Delos Reyes, fourth runner-up.

Matatandaan na sinaluduhan ng publiko si Felizmeña sa paglahok sa pageant kahit halos apo na niya ang kanyang mga katungggali.