Loisa nagsori sa solo travelers

HUMINGI ng paumanhin ang aktres na si Loisa Andalio sa netizens na napikon sa kanyang sentimento ukol sa solo travels.

Matatandaan na sinabi ni Loisa sa isang interview na nagtataka siya kung bakit may mga tao na nagta-travel nang mag-isa.

“Hindi ko maintindihan ‘yung mga tao na nagso-solo travel. Parang ang lungkot,” ani Loisa.

“Grabe ‘yung pinagdadaanan talaga siguro nila para gusto nilang magiging solo na lang,” dagdag niya.

Niresbakan naman ang aktres ng mga solo travelers at sinabing maraming kahalagahan ang ganoong uri ng paglalakbay.

“Medyo bitin talaga ‘yung interview na ‘yun. Ang opinyon ko dun parang for me, kung ako magso-solo travel grabe siguro ‘yung pinagdadaanan ko para umabot ako sa mag-solo na lang kasi ako ‘yung personality ko gusto ko kasama si Ronnie (Alonte) or ‘yung friends or ‘yung family,” pagkaklaro ni Loisa.

“Hindi ko nilalahat, sa akin lang ‘yun. Kung na misinterpret ng iba, sorry, opinion ko ‘yun. May opinion din sila nirerespeto ko din,” dagdag niya.