IPINASA ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill number (HB No.) 5001 na nag-aatas sa mga pribadong paaralan na i-waive ang pagbabayad ng college entrance examination fees sa mga graduating high school students na kabilang sa top 10 porsiyento ng kanilang batch.
Layunin ng panukala na mabigyan ng tulong at oportunidad ang mga mahihirap bagamat deserving na estudyante na ituloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Samantala, lusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang HB No. 4896 na nagdedeklra ng May 16 ng kada taon bilang isang special working holiday na tatawaging “National Education Support Personnel Day.”