Leren ipinagyabang si Ricci

BEACH sa Lobo, Batangas ang setting ng date ng magkasintahang Ricci Rivero at Leren Mae Bautista kamakailan.

Shinare ng beauty queen-turned-Los Banos Municipal Councilor sa Instagram ang ilang photos ng kanilang quality time.

“I love the view,” caption ni Leren sa post.

Matatandaang inanunsyo ng dalawa ang kanilang relasyon noong October 2023 ilang buwan makaraan nilang itanggi na mayroon silang ugnayan.