PATULOY na tumataas ang bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health ngayong Biyernes.
Ayon sa tala, umakyat ng 22 porsiyento ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 6, kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong 2021.
Nasa 1,411 ang huling bilang ng mga kaso, mas mataas sa nairekord noong 2021 na 1,157.
Tumaas din ang mortality rate o 188 bilang ng mga nasawi dahil sa nasabing sakit.
Karamihan sa mga nadale ng sakit ay mula sa Metro Manila na nagtala ng 263; Western Visayas, 171; Cagayan Valley, 169 kaso.
Ang leptospirosis ay isang waterborne bacterial disease na nakaaapekto sa kidney, at magdudulot ng meningitis, liver failure, respiratory distress, at kamatayan sakaling hindi maagapan.