Leni Robredo lumusong sa baha para maghatid ng tulong

PINATINDI pa ni dating Vice President Leni Robredo ang paghanga sa kanya ng publiko dahil sa ginawang inisyatiba para magdala ng tulong sa mga apektado ng bagyong Kristine sa Naga City.

Nakunan ng netizen na si Egine Oquindo Baral ang ginawang paglusong sa hanggang dibdib na baha ni Robredo sa kanilang lugar sa Zone 6 Sto. Nino, barangay Abella sa Naga City, Huwebes ng hapon.

Isa ang Naga City sa matinding nasalanta ng bagyo.

“Thank you, Ma’am Leni Gerona Robredo! 🙏🏻,” ayon sa post ni Oquindo.