STAR-STUDDED ang online concert na handog ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo para sa mga health workers at kanilang pamilya sa Araw ng Paggawa.
Sa kalatas, sinabi ng Office of the Vice President na layon ng concert, na tinawag na “Harana: Musical Tribute to Filipino Frontliners,” ang pasayahin ang mga health care workers na nakikipaglaban sa pandemya.
Kasama sa mga magpe-perform ang The Company at sina Noel Cabangon, Cookie Chua, Nonoy Zuñiga, Agot Isidro, Buboy Garrovillo, Joana Ampil, Renato Lucas, Skarlet Brown, Ivy Violan, Joey Ayala, Noli Aurillo, at Bayang Barrios.
Maliban sa mga artists, may inihanda ring performance ang mga doktor, nurse at staff ng Philippine General Hospital.
“Viewing stations in participating hospitals, such as the National Kidney Transplant Institute and the Quirino Memorial Medical Center, and other provincial hospitals will be set up to allow on-duty frontliners, as well as patients, to enjoy the musical,” ayon sa kalatas.
Mapapanood ito ng live sa Istorya ng Pag-asa Facebook page alas-7 ng gabi.