MATAPOS ang mahigit anim na taon na pagkakakulong, nakalaya na rin si dating Senador Leila de Lima.
Pinayagan si de Lima ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito na makapagpiyansa sa huling kaso na kinakaharap ng dating senador na may kinalaman sa droga.
“Finally, freedom,” ang naging unang tugon ni de Lima nang ibaba ang resolusyon na pinapayagan siyang makapaglagak ng bail.
Napaiyak na lang din ang dating mambabatas nang marinig ang desisyon ng hukom.
“Finally, I will be set free. For years, my whole team has been crying out for justice and freedom, for more than six long years I’ve been praying so hard for this day to come,” pahayag ni de Lima.
Nanindigan din ito na inosente siya sa mga ipinaparatang sa kanya.
“It is very painful to be jailed if you are innocent, and I don’t want this to happen to others. But I don’t want to be sad or bitter today. This is a moment of triumph and thanksgiving,” dagdag nito.
Nagpasalamat siya sa Diyos, pamilya at mga kaibigan na hindi umano umiwan sa kanya.
Ganon din nagpasalamat si de Lima sa administrasyong Marcos “for respecting the independence of the judiciary and the rule of law.”