Leeg ng rider sumabit sa nakalaylay na kable

MUNTIK mabigti ang rider nang sumabit ang kaniyang leeg sa nakalaylay na kable sa Lipa City, Batangas nitong Huwebes.

Ayon sa biktimang si Mark Macasaet, papunta siya sa bahay ng kanyang nobya sa Brgy. Latag nang maganap ang insidente sa Brgy. Antipolo Del Sur.

Huli na aniya nang mapansin niya ang kable at hindi na niya ito naiwasan.

“Sobrang haba din ng nakalawit. Hindi po siya sa ulo na papalo lang, nakaharang po talaga siya sa kalsada. Nasa 60 lang po [ang takbo ko], wala naman ako kasabay noon kaya ganoon ang takbo ko,” ani Macasaet.

Kinumpirma naman ng mga opisyal ng Brgy. Antipolo Del Sur na isang telco company ang may-ari ng nakalaylay na kable.

Anila, bago ang aksidente ni Macasaet ag naatrasan ng truck ang isang poste na posibleng dahilan para lumaylay ang kable.