PATULOY ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ito ay matapos na umabot sa 201.60 metro ang lebes alas-6 ng umaga kumpara sa 201.91 metro nitong Sabado.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hydrologist Oyi Pagulayan nananatili namang malayo pa sa kritikal na lebel ang Angat Dam.
Aniya, mas mabilis ang pagbaba ng lebel ng Angat Dam dahil na rin sa evaporation bunsod ng tag-init na pinalala pa ng El Niño.
Nauna nang sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na sasapat ang suplay ng Angat hanggang Disyembre. Nakararanas ng water interruption ang mga sinusuplayan ng Maynilad Water Service Inc.