Lassy nagdadalamhati sa pagyao ng ama

NAGLULUKSA ang host-comedian na si Lassy sa pagpanaw ng kanyang ama na si Rolando Marquez nitong Huwebes ng umaga.

Sa isang Facebook post, sumulat ng pamamaalam si Lassy (Reginald Marquez sa totoong buhay) sa kanyang “Dada.”

“Mahal na mahal kita at mahal na mahal ka namin alam mo yan. Maraming Salamat sa memories at pagmamahal mo sa amin bilang isang ama. Hinding hindi kita malilimutan kahit kailan,”

“Tatandaan ko ang mga huling habilin mo bago ka pumanaw. At ako na rin ang bahala sa pamilya natin lalo na kay mama. Kaya wag kang mag alala. At Gabayan mo lang kami lagi. Hanggang sa muli Dada ko. Mahal na mahal kita,” dagdag niya.

Sa isa pang post, shinare ni Lassy ang pakiramdam ng mawalan ng ama.

“Dada Sobrang namimiss kita ngayon. Ang sakit sakit. Ang bigat. Lord God kayo napo ang bahala sa amin buong pamilya. Bigyan nyo po kami ng lakas,” sabi niya.

Hindi sinabi ng “It’s Showtime” host ang ikinamatay ng ama.

Bago sumakabilang-buhay si G. Marquez ay humingi pa ng panalangin si Lassy para sa ama na nasa ospital.

“Tulungan nyo po ako magdasal para sa tatay ko po. Kailangan ko po ngayon #dada #prayforhealing…Panginoon tulungan nyo po ako,” sabi niya sa Instagram story noong Miyerkules.